May mga tao talaga sa mundo na sadyang mamahalin mo ng todo. Yun bang alam mo na masamang magmahal ng sobra pero hindi mo magawang pigilan yung sarili mo. Yun bang kahit na sobrang hirap ng mga dumadaan sa inyo, mas lalo kang nagiging matatag kahit na mahirap at masakit kasi palagi mong iniisip yung pagmamahalan niyong dalawa. Sa love ka kumukuha ng lakas para harapin lahat. Hinding hindi mo siya kayang bitawan dahil mahal mo siya. Yung tipong handa kang labanan ang lahat kahit sobrang hirap kesa sa bitawan siya. Mas okay na yung maghirap kesa mawalan ng mahal. Mas mahirap naman kasi yun eh. Mas okay na yung nandiyan siya na dahilan kung bakit ka lumalaban. Yung taong dahilan kung bakit kinakaya mo lahat. ♥